Kasalanan (Feat. Gloc-9 & Wendell Garcia) Lyrics - 6cyclemind
1 Maari bang makausap ka
2 'di na biro ang nararamdaman
3 Nalungkot sa aking buhay
4 mula nang ika'y matauhan
5 Patawarin mo ako
6 sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
7 Patawarin mo ako
8 sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
9 Maari bang mapigilan pa
10 ang 'yong 'di maaming binabalak
11 Nakalimutan na ang pagsasama
12 'Di na ba kayang mapagbigyan
13 Patawarin mo ako
14 sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
15 Patawarin mo ako
16 sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
17 Patawad ay isang salitang animoy isang parusa
18 ito'y sasambitin mo lang kung lahat ay huli na
19 at di na maibabalik ang dating pinagsamahan
20 parang putik sa mukha na pinahid ng pabalang
21 Sa iyo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
22 Habang siya'y bigay nang bigay
23 at ipinauubaya lahat ng makakabuti
24 kahit na pang huling butil ay iaabot sa iyo.
25 Parang ika'y isang inutil na hindi nagiisip
26 Wala kang nararamdaman
27 subukan mang pumikit wala kang natatandaan
28 Lagi mong inaalala ang para lamang sa'yo
29 Walang iba kundi ikaw at kailanma'y walang kayo
30 Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit
31 Ika'y sasaktan at sumisigaw ng salitang pumupunit
32 kaysa pilit mong kausapin ay di na sasagot
33 akapin man nang mahigpit ay di mo na maabot (Patawad)
34 Di na mauulit
35 Di na uulitin
36 Sana'y tanggapin mo
37 Patawarin mo ako
38 sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
39 Patawarin mo ako
40 sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
41 Tayo'y nagtalo't nagsigawan at halos magtulakan
42 Sa galit ko ako'y lumayas at 'di ka binalikan
43 Nilimot ang lahat ng pangako at ang pagmamahal
44 Sumpaan natin sa isa't isa 'di rin nagtagal
45 Ang gabi ay aking umaga umaga'y aking gabi
46 Ako'y gumigising hindi ko kilala ang katabi
47 Paulit-ulit na ganito ngunit nang aking makita larawan mo
48 sa loob ng aking lumang pitaka ay nalaman ko
49 Hinanap ko ang tunay na sarili ko
50 Nakita ko, nalaman ko ito ay nasa piling mo
51 inipon ang lahat ng aking lakas ng loob
52 ngunit bakit parang 'di maganda ang aking kutob
53 Nilapitan ka at pilit na tinitigan sa mata
54 Ako'y nagdarasal na sabihin mo saking pwede pa
55 Ika'y hindi kumikibo at parang lumalayo
56 tila pagibig mo sa'kin tuluyan nang natuyo
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment