Gayuma Lyrics - Abra
1 Harana para sa dalaga
2 Na kung 'di dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana
3 Dalaga na balak makasama
4 Mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan yung kampana
5 Makasama ka na para bang tadhana
6 At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka
7 Ang tadhana sadyang kahanga-hanga
8 Ibang mga babae sa mundo kinalimutan ko na para
9 Masabi lang sayo na tapos na ang panggiginaw
10 Ng puso kong naghihikahos pagkat naliligaw
11 Ngayon paos na paos na sa kasisigaw
12 Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw
13 Ngunit bakit parang maraming nakatitig satin
14 At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin
15 Mahal kita kahit may pagka-alanganin
16 Pagka't satin mas mukha ka pang lalaki kesa sakin
17 Hindi ko maipaliwanag
18 (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
19 Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
20 (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
21 Paggising ko ikaw ang nasa isip
22 Ka-date kita hanggang sa panaginip
23 Kasi ikaw ang iniibig ko
24 (Ikaw lang at wala nang iba)
25 Ngunit hindi ko maipaliwanag
26 (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
27 Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
28 (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
29 Paggising ko ikaw ang nasa isip
30 Ka-date kita hanggang sa panaginip
31 Kasi ikaw ang iniibig ko
32 Ang buhay parang dagat, na kung saan lahat tayo nagtipon
33 Sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon
34 Hindi ka lang maganda pag-hindi nakatalikod
35 Parang ipot ka ng ibon magpakipot
36 Hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit
37 Nakakaadik kahit puro kuto ka sa anit
38 Kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit
39 Sakin maskaakit-akit ka pa pagnatuto kang mag-ahit
40 Hindi ka man napiling ikaw lang ang kapiling ko
41 Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko
42 Para kang Rebisco ang sarap ng feeling ko
43 Ikaw ang namimiss ko, mismo
44 At kung kasama ka, parang naglakad ng aso, kaso 'di eh
45 Paggalit si Son Goku parang kamukha mo babe
46 Pero ika'y bituin kapag sa langit nakadungaw
47 Kahit parang in between ka ng babae at bakulaw
48 Hindi ko maipaliwanag
49 (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
50 Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
51 (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
52 Paggising ko ikaw ang nasa isip
53 Hiling kita hanggang sa panaginip
54 Kasi ikaw ang iniibig ko
55 (Ikaw lang at wala nang iba)
56 Ngunit hindi ko maipaliwanag
57 (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
58 Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
59 (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
60 Paggising ko ikaw ang nasa isip
61 Ka-date kita hanggang sa panaginip
62 Kasi ikaw ang iniibig ko
63 Isang araw dumalaw, sakin ang aking dating kasintahan
64 Ang sabi nya "Uy! Meron akong nabalitaan"
65 Nang ikwento nya ako'y napaisip
66 Sabay napatahimik nang sinabing "Hindi yan tunay na pag-ibig!"
67 Ilang araw hinanap bago makita ang sagot
68 Kung tama ang hinala, ito'y mabisa na gamot
69 At nang aking inumin saka ko lang naunawaan
70 Gayuma nga! Lang hiya! Ako'y naloko lamang!
71 Nilinlang, dinaya, at inuto ng matindi
72 Ngayon ay pili ko na kung sinong kupal sa hindi
73 Ito ay pelikula na binuo patabinge
74 Isa kang malaking libag na tinubuan ng pisnge!
75 Alam mo? Mukha kang tuhod na may bukol, na may sugat, na may nana!
76 Ikaw ang dahilan kung ba't nasulat 'tong harana
77 Para sa dalaga na kung 'di dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala
78 Hindi ko maipaliwanag
79 (Hindi ko maipaliwanag)
80 Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
81 Paggising ko ikaw ang nasa isip
82 (Badtrip!)
83 Hiling kita hanggang sa panaginip
84 (Ang pangit mo talaga!)
85 Kasi ikaw ang iniibig ko
86 (Ikaw lang at wa ah teka.. teka.. teka.. teka..)
87 Ngunit hindi ko maipaliwanag
88 (Pero ngayon ay maliwanag na lahat)
89 Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
90 (Di ako makapaniwala sa pagkat)
91 Paggising ikaw ang nasa isip
92 (Kalokohan)
93 Ka-date kita hanggang sa panaginip
94 (Hay nako)
95 Kasi ikaw ang iniibig ko
96 Syempre yan ay dahil sa gaga-gayuma, gaga-gayuma
97 Dahil sa gaga-gayuma, gaga-gayuma
98 Dahil sa gaga-gayuma, gaga-gayuma
99 Dahil sa gaga-gayuma, gaga-gayuma
100 Gaga-gayuma, gaga-gayuma
101 Gaga-gayuma, gaga-gayuma
102 Gaga-gayuma, gaga-gayuma
103 Gaga-gayuma, gaga-gayuma
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment