Ilusyon Lyrics - Abra
1 Nasan na ba ang pagbabago? San?
2 Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan
3 Ngayon nakakakita na
4 Kayo na nga tong pumapapel
5 Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa
6 Bahala na kayo sa buhay niyo
7 Basta wag niyo kong gagawing tanga
8 (Wag niyo kong gagawing tanga)
9 Wag niyo kong gagawing tanga
10 (Wag niyo kong gagawing tanga)
11 Wag niyo kong gagawing tanga
12 Ilang dekada na ba, nakapagtataka na
13 Wala paring pagbabago ng pagkatagal na
14 Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa
15 Pagtakpan ang matagal ng halatang halata
16 Palakihan ng lote paramihan ng kotse
17 Para 'di mangamote, bayanihan ng konte
18 Matapobre, talagang plastikan ang forte
19 Natutulog sa pansitan na sandigan ng korte
20 Sakit, ng lipunan kayo ang ebidensya
21 Sakit, oo pero ngayon ay epidemya
22 At sa Pilipinas ang mga elektibo
23 Nagpapaka bibo at hindi epektibo
24 Puro salita pero ni wala man lang pruweba
25 Magpapaka-propeta para walang protesta
26 Sa nakaraang problema ano ba ang solusyon
27 Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang Ilusyon
28 Nasan na ba ang pagbabago? San?
29 Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan
30 Ngayon nakakakita na
31 Kayo na nga tong pumapapel
32 Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa
33 Bahala na kayo sa buhay niyo
34 Basta wag niyo kong gagawing tanga
35 (Wag niyo kong gagawing tanga)
36 Wag niyo kong gagawing tanga
37 (Wag niyo kong gagawing tanga)
38 Wag niyo kong gagawing tanga
39 Walang nakaisip ng nasa palagid
40 Mabaho, madumi at kadalasan mainit
41 Tambakan ng basura kahit na saang gilid
42 Nag trapik parang bang kada kalsada makitid
43 Laganap na kotongan, sus Maria!
44 Mga driver tingin sa kanilang bus tamiya
45 Bayarang kababaihan para boobs makita
46 Ganyan talaga resulta pag kapos ang kita
47 Kapag umulan wag susubukang bumiyahe
48 Madalas ang pagbaha may lumulutang na tae
49 Sandamukal na problema pupuhunan daw sabi
50 Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyari
51 Ngayon sabihin niyo kung nasan diyan ang pagbabago
52 Baka nakasalamin ako pagkataas ng grado
53 Kasalakuyang problema ano ba ang solusyon?
54 Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang Ilusyon
55 Nasan na ba ang pagbabago? San?
56 Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan
57 Ngayon nakakakita na
58 Kayo na nga tong pumapapel
59 Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa
60 Bahala na kayo sa buhay niyo
61 Basta wag niyo kong gagawing tanga
62 (Wag niyo kong gagawing tanga)
63 Wag niyo kong gagawing tanga
64 (Wag niyo kong gagawing tanga)
65 Wag niyo kong gagawing tanga
66 Marami pang mga kababayang habang buhay na pagod
67 Pagkat hanap ng hanap ng hanapbuhay sa abroad
68 Iiwan ang pamilya para ang tagumpay ay maabot
69 Nakakumay ang sagot kaya ako ay nayamot
70 Di kayo makapagbigay ng mga trabaho
71 Kaya di dapat kinailangan na mangako
72 San na ang pagbabago
73 Taray naman, imbis na magbagong buhay, bagong bahay na lang
74 Habang marami nagugutom at walang matirhan
75 At abot kaya na gamot wala man lang mabilhan
76 Edukasyon sa lahat 'di magawang pagbigyan
77 Kayo ang boses ng taong 'di nyo kayang pakinggan
78 Magandang kinabukasan na orasan ko yon
79 Di ba dapat ngayon ang kinabukasan noon?
80 Kinabukasan ng problema ano ang solusyon?
81 Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang ilusyon?
82 Nasan na ba ang pagbabago? San?
83 Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan
84 Ngayon nakakakita na
85 Kayo na nga tong pumapapel
86 Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa
87 Bahala na kayo sa buhay niyo
88 Basta wag niyo kong gagawing tanga
89 (Wag niyo kong gagawing tanga)
90 Wag niyo kong gagawing tanga
91 (Wag niyo kong gagawing tanga)
92 Wag niyo kong gagawing tanga
93 (Wag niyo kong gagawing tanga)
94 Wag niyo kong gagawing tanga
95 (Wag niyo kong gagawing tanga)
96 Wag na wag, wag na wag!
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment