Awit Ng Barkada Lyrics - Apo Hiking Society


1 Awit Ng Barkada


2 Nakasimangot ka na lang palagi

3 Parang ikaw lang ang nagmamay-ari

4 Ng lahat ng sama ng loob

5 Pagmumukha mo ay hindi maipinta

6 Nakalimutan mo na bang tumawa

7 Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa


8 REFRAIN:

9 Kahit sino pa man ang may kagagawan

10 Ng iyong pagkabigo

11 Ay isipin na lang na ang buhay

12 Kung minsan ay nagbibiro

13 Nandirito kami, ang barkada mong tunay

14 Aawit sa iyo

15 Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa

16 Kami'y kasama mo


17 O ikaw naman


18 Kung sa pag-ibig may pinagawayan

19 Kung salapi ay huwag nang pag-usapan

20 Tayo'y 'di nagbibilangan

21 Kung ang problema mo'y magkatambakan

22 ang mga utang 'di na mabayaran

23 Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan


24 Kahit sino pa man ang may kagagawan

25 Ng iyong pagkabigo

26 Ay isipin na lang na ang buhay

27 Kung minsan ay nagbibiro

28 Nandirito kami, ang barkada mong tunay

29 Aawit sa iyo

30 Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa

31 Kami'y kasama mo


32 Kung hahanapin ay kaligayahan

33 Maging malalim o may kababawan

34 Sa iyo ay may nakalaan

35 Kami'y asahan at huwag kalimutan

36 Maging ito ay madalas o minsan

37 Pagka't iba na nga ang may pinagsamahan


38 Kahit sino pa man ang may kagagawan

39 Ng iyong pagkabigo

40 Ay isipin na lang na ang buhay

41 Kung minsan ay nagbibiro

42 Nandirito kami, ang barkada mong tunay

43 Aawit sa iyo

44 Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa

45 Kami'y kasama mo


46 Kasama mo

47 Kasama mo

48 Kasama mo


Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment