Princesa Lyrics - Apo Hiking Society
1 Mula noong ako'y nag-umpisang maglakad
2 Tila may kumpas ang bawat hakbang
3 Natutong sumayaw sa sariling paraan
4 Sa bawat tugtog na alam
5 Hindi naman sa ako'y nagmamayabang
6 Kelan ma'y hindi pa natanggihan
7 Mahusay magdala tila napakagaan
8 Sa hangin parang lumulutang
9 Maraming kapareha na sa akin nagdaan
10 Pagkatapos ng tugtog nalilimutan
11 Ngunit ng makita siya sayawang ito
12 Nanlambot ang tuhod at naturete na pati paa ko.
13 Panaginip kita, mahal na prinsesa
14 Minsan sana'y makapareha
15 Ibibigay ko pati puso ko
16 Para lamang makasama ka
17 Makapareha ka, mahal na prinsesa
18 Dahanâdahan nilapitan ang dilag na ito
19 At mapormang isinayaw sa gitna
20 Umikot nang umikot at nakakahilo
21 Lahat ng tao'y tulala
22 Iisa ang kapareha sa buong magdamag
23 Di ko siya mapagot at hindi matagtag
24 Di ko maiwanan at hindi rin mabitawan
25 Tuloy-tuloy ang kapit
26 Hanggang sa mauwi na sa simbahan
27 Mula noong kami'y sa simbahan naglakad
28 Magkasama na sa araw at gabi
29 Mayrong mga ilang supling na ngayo'y nadagdag
30 Na sumasayaw na rin sa tabiâ¦
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment