Binhi Lyrics - Arthur Nery
1 'Di ko na nadiligan
2 Ang binhi ng iyong pagmamahal
3 Ayoko nang sapilitang
4 Ibuhos ang lahat ng dinadamdam
5 Ang tangi kong hiling ay mahawakan
6 Ang iyong mga kamay at daliri
7 Habang dahan-dahang haplusin ng mga salita
8 Ang puso mong sabik mayakap 'pag nag-iisa
9 Kaya tahan na, ooh
10 Sumandal ka, ooh
11 Hayaan mo na aking paglaruan
12 Apoy ng iyong labi, oh paraluman
13 Binibining natutulog
14 Sa ilalim ng aking mga bulaklak
15 'Di mababaon sa limot
16 Ang ligayang hatid ng iyong halimuyak
17 Alak lamang ang pamunas sa natira
18 Mong alaalang 'di kumupas at kahit na
19 Ipilit ko mang ibalik pa ang dati
20 Tayo'y mawawala pa rin
21 Kaya tahan na, ooh
22 Sumandal ka, ooh
23 Hayaan mo na aking paglaruan
24 Apoy ng iyong labi, oh paraluman
25 Ilang araw nang nakahiga
26 Tuluyan na nga bang ako'y iyong nilisan?
27 Kahit saglit, pwede bang mahawakan?
28 'Di na kailangang lumayo, halika sa akin
29 'Di na muling mabibigo, ako ay yakapin
30 Kaya tahan na, ooh
31 Sumandal ka, ooh
32 Hayaan mo na aking paglaruan
33 Apoy ng iyong labi, oh paraluman
34 Ilang araw nang nakahiga
35 Tuluyan na nga bang ako'y iyong nilisan?
36 Kahit saglit, pwede bang mahawakan?
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment