Desperado Lyrics - Arthur Nery

1 Daming umaasa sa dalangin

2 Wala namang lakas na umamin

3 'Di ba mas mahirap na hulihin

4 Ang nararamdamang isinusulat sa hangin


5 Kongkreto ang tapat na pag-ibig

6 Kinukulang lamang sa agos

7 At pagbigkas ng loob

8 Pa'no kasi ang hirap isalin

9 Ng katibayan na totoo ang damdamin


10 Talo palagi ang mahiyain

11 Kulang sa lalim kung pahiwatig lang

12 Bawat pagkakataong umamin

13 Nauunahan ng gapang sa bawat baitang


14 Desperado (desperado)

15 Desperado

16 Kahit sa guni-guni

17 Luging-lugi pa rin sa 'yo

18 Detalyado, detalyado

19 Ang pagmumuni-muni mo

20 Sa bumibitaw sa 'yo


21 Hindi sa 'di ko pinapahiwatig

22 Sadyang wala lang talagang alam

23 Papaano nga ba inaakit

24 Ang isang kaibig-ibig na binibini

25 Gabayan mo na lang ako

26 Kung handa ka na

27 Handa na ba


28 Talo palagi ang mahiyain

29 Kulang sa lalim kung pahiwatig lang

30 Bawat pagkakataong umamin

31 Nauunahan ng gapang sa bawat baitang


32 Desperado (desperado)

33 Desperado

34 Kahit sa guni-guni

35 Luging-lugi pa rin sa 'yo

36 Detalyado, detalyado

37 Nung kinilatis mo 'ko

38 Gamit lamang mga labi mo

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment