Nasa'king Damdamin Lyrics - Arthur Nery

1 Parang kay bilis naman nating

2 Nawalan ng gana

3 Araw, dapithapon

4 Mmm, magdamag kang hinahanap sa pagbangon

5 Mas pipiliin ko pang punasan

6 Ang kasinungalingan mo sa 'yong labi

7 Kaysa sa 'di tapat mo na luha


8 Oh, tila tinatahak lamang natin ang tadhanang

9 'Di naman ako ang 'yong kahati

10 Sana 'di mo na pakawalan, nangangalay ang aking bisig

11 Kakaalay sa 'king pag-ibig


12 Ang nasa 'king damdamin

13 Ikaw lang


14 Oh, dito lang naman nakatutok

15 Bakit parang lahat ay gumuho?

16 Habang ako'y kumakapit

17 Nangangawit na rin sa 'yong alaala

18 Na parang naiipit

19 Hanggang kailan muli ang huling sandali?

20 Sa'n na 'ko uuwi?


21 Oh, tila tinatahak lamang natin ang tadhanang

22 'Di naman ako ang 'yong kahati

23 Sana 'di mo na pakawalan, nangangalay ang aking bisig

24 Kakaalay sa 'king pag-ibig


25 'Di naman sa 'di na nais na minamahal, ah

26 Sadyang 'di mawaring lumipas ang sa 'tin

27 Saan ka hahanapin?


28 Nasa 'king damdamin lang lahat (oh)

29 Ba't 'di mo 'ko dinggin? (Ang nasa 'king damdamin)

30 Nakakaabala ba 'ko sa 'yong mga panalangin?


31 'Di naman sa 'di na nais na dinadasal, oh

32 Wala na ngang sa 'tin, 'di kinaya ng dalangin


33 Parang kay bilis naman nating

34 Nawalan ng tahanan

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment