Paralisado Lyrics - Arthur Nery

1 Iniaasa na lang sa iyong panlalamig

2 Magmamanhid daw habang tumatagal

3 Sino'ng iisipin? Sino'ng unang uunawain

4 Kung ang sarili kong hanap ay ikaw? Oh


5 Palaring salarin, 'la ka bang salamin?

6 Hirap mo ay hirap ko rin, mahal

7 Madaling mahalin, mahirap intindihin

8 'Di ka rin nagpapaangkin


9 Dahang napapansin mo aking pagtingin

10 Tila naakit mo gamit 'yong paglambing

11 Paralisado pagdating sa 'yo

12 Sino ako? Mm, sino sa 'yo? Mm

13 Sino sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo? Ooh


14 Isinalin nating dating pag-iisa

15 Sa kaliwa o kabilang ibayo, 'la sa ating plano

16 Tila tinangay, hinay-hinay, kinasanayang ugnayan

17 'Kakapanghinayang ('kakapanghinayang), nakakapanghinayang


18 Palaring salarin (palaring salarin), 'la ka bang salamin?

19 Hirap mo ay hirap ko rin (ko rin), mahal

20 Madaling mahalin, hirap intindihin

21 'Di ka rin nagpapaangkin


22 Dahang napapansin mo aking pagtingin

23 Tila naakit mo gamit 'yong paglambing

24 Paralisado pagdating sa 'yo (sa 'yo)

25 Sino ako? (Sino ako?) Mm, sino sa 'yo?


26 Nananabik 'pag nailalarawan ko

27 Na maging haligi (maging haligi) sa iyong uuwian

28 Kung hindi ka mahuli (kung hindi ka), hindi na lilipad (hindi na)

29 Nang makita mo ang pag-ibig na aking inilalapag


30 Dahang napapansin mo aking pagtingin (dahan)

31 Tila naakit mo gamit 'yong paglambing (ooh)

32 Paralisado (paralisado) pagdating sa 'yo (pagdating sa 'yo)

33 Sino ako? (Sino ako?) Mm, sino sa 'yo? Mm (napapansin ng paningin)

34 Sino sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo? (Naaakit sa paningin)

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment