Segundo, Siguro Lyrics - Arthur Nery

1 Yakap ka na lang 'pag aalis ka na

2 'Di na kailangan na pag-usapan pa

3 Kasi ibang daan ang 'yong nais na tahakin

4 Ang alam ko ay ang sa 'tin lang


5 Kahit sa pagbitiw, ang pakiramdam ko'y

6 Gumagaan sa init ng bawat segundo

7 Siguro ay nag-aalinlangan ka pang umalis


8 Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Oh pa'no na lang?)

9 Sino'ng sisisihin kung wala rin namang (kausap? Sayang)

10 Dati na 'kong pinangakuan

11 Hindi na dapat ito nakakapanibago


12 Mayro'n na sanang patutunguhan

13 Kung sinasabi mo lahat ng 'yong hinanakit

14 Oh, hindi naman ito yata patas? Hmm

15 Na ang tangi kong pinapapasok

16 Sa aking puso'y nagmamahal sa labas


17 Sa labas


18 May iba ka na ba?

19 'Wag mo na munang isipin 'yong atin

20 Kung tayo talaga, pipiliin pa rin kita

21 Kahit magdamagan akong maghihintay, tayo lang, ahh


22 Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Oh pa'no na lang?)

23 Sino'ng sisisihin kung wala rin namang (kausap? Sayang)

24 Dati na 'kong pinangakuan

25 Sa kahel na kalangitan

26 Ako ba'ng uuwian mo?


27 Mo


28 Takipsilim na naman

29 'Yong kapiling mo ay lihim mo nang pinipili mula noon

30 Sa'n ako maghihintay sa 'yo?

31 Sa nakaraang 'di buo o sa 'di kasiguraduhang dulo?


32 Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? Oh, whoa

33 Sino'ng sisisihin kung wala rin namang (kausap? Sayang)

34 Dati na 'kong pinangakuan

35 Alam ko na ang dulo nito, ooh


36 Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Oh, ba't ba kasi papalitan?)

37 Sino'ng sisisihin kung wala rin namang (kausap? Sayang)

38 Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Pasabi, pasabi, pasabi na lang)

39 Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Pasabi, pasabi, pasabi na lang)


40 Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan

41 Sino'ng sisisihin kung wala rin namang kausap? Sayang

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment