Print

Barbie Almalbis
Ambon Lyrics

Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo
kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag
ng araw-araw ninanais marinig ang tawang siyang
tumunaw sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas.
Ngunit kahit magkaharap. Dito ay bumabagyo.
Ngunit diyan, umaambon lamang.

Chorus:
Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik.
Ngunit nalulunod pa rin.
At nangangarap na maanggihan man lang ng pag-ibig
mong binihag ng mga ulap. Paano ba patitilain ang bagyo,
kung ang gusto mo lang ay ambon? Paano na ito?

‘Di mapaliwanag ang galak na aking nadadarama.
Kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam.
Ngunit kahit magkaharap. Dito ay bumabagyo.
Ngunit diyan, umaambon lamang.

Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik.
Ngunit nalulunod pa rin.
At nangangarap na maanggihan man lang ng pag-ibig
mong binihag ng mga ulap. Paano ba patitilain ang bagyo,
kung ang gusto mo lang ay ambon? Paano na ito?

Paano ba patitigilin ang pagbuhos ng bagyo?
Paano ba patitigilin ang pagkahulog ko sa’yo?

Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik.
Ngunit nalulunod pa rin.
At nangangarap na maanggihan man lang ng pag-ibig
mong binihag ng mga ulap. Paano ba patitilain ang bagyo,
kung ang gusto mo lang ay ambon? Paano na ito?

1
Leave a Reply

avatar
1 Comment threads
0 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
1 Comment authors
Elijah Recent comment authors

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Elijah
Guest
Elijah

I first heard this song sa movie ni Gerlad at Bea and it stuck to my head. Ganda ng kanta… Nice barbie!