Dati-Rati Lyrics - Carol Banawa
1 (stanza 1)
2 noon ay baduy akong manamit
3 hinahamak at nilalait
4 patpatin kaya payat ang katawan
5 pinagtatawanan, mukhang ewan
6 one time sa buhay aking nakilala
7 isang tsinita sa buhay ko'y nag-iba
8 kapag may date kami'y namimili pa
9 giordano shirt, levi's pamorma
10 nang minsan, inakbayan ko sya
11 isang beses pero aking nadama
12 hanging pumapasok sa manggas
13 kili-kili ko naman pala'y butas
14 at para makaiwas sa laking hiya
15 dali-dali na lang akong nag-aya
16 hinatid ko sya hanggang makauwi
17 kahit puro taxi lang ang gamit
18 (chorus:)
19 dati-rati ang pangit-pangit mo
20 dati-rati ang kelot-kelot mo
21 pero ngayong superstar ka na hah..
22 nagsisisi ako oh..
23 bakit ko pa ba
24 tinanggihan ang pag-ibig mo
25 (stanza 2)
26 sa pagdating namin sa bahay nila
27 narinig ko na ang nanay nya
28 ako'y tinataboy ay ako'y inaapi
29 masakit na salita mga sinasabi
30 ang sabi nya sa akin
31 "oo nga, gwapo nga pero pursige sa buhay eh wala"
32 walang binatbat at walang sinabi
33 kasi manliligaw nya puro de-kotse
34 pero kahit nililibak tuloy pa rin ako
35 even though dinudusta ng ina mo
36 at ang masakit pa sya'y paalis
37 lilipad sya papuntang u.s.
38 mabuti na lang at umabot pa ako
39 sa kalupitan na tatanggapin ko
40 "o, bakit ka pa nandito? hoy umuwi ka na"
41 at never ko na raw syang makikita
42 (repeat chorus)
43 (stanza 3)
44 biglang nagbago sitwasyon
45 good opportunity sa akin ay umayon
46 naambunan ako, sinwerte
47 may sariling bahay, pera at kotse
48 kasama pa sa dulo ng walang hanggan
49 a.s.a.p at kung saan-saan
50 contract star ng channel 2
51 easing-easy got a lot of things to do
52 nag-iba ang tadhana, ako ay nagtaka
53 biglang nagtatawag ang nanay nya
54 tinanong kung kelan daw ako pupunta
55 long time no see daw at miss na miss nila
56 ligawan ko daw ulit ang anak nya
57 nagmamakaawa, "sige na, sige na"
58 sayang at napawi ang pagmamahal ko
59 dahil sa pang-aapi ng ina mo
60 (repeat chorus)
61 (bridge)
62 pero ngayong superstar ka na hah..
63 nagsisisi ako oh..
64 bakit ko pa ba
65 tinanggihan ang pag-ibig mo
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment