Nais Ko Lyrics - Christian Bautista


1 Malayo pa lang, kumakaway ka na

2 'Di mapigil ang saya na tayo'y magkikita

3 Kailan lang nang tayo'y nagkakilala

4 Tinginan mo nga naman, ngayon ay ka-barkada


5 Ka-kuwentuhan ng kung anu-ano

6 Ka jamming sa mga awiting uso

7 Ka halakhakan at ka-biruan

8 Sa araw-araw, 'di pagsasawaan


9 Nais ko ay makasama ka

10 Ka-hati sa walang hanggang ligaya

11 Ka-tawanan magmula umaga

12 Ako'y nasasabik sa bawat araw

13 Dahil ka-piling ko ay laging ikaw


14 Salamat at nakilala ka

15 Salamat sa araw na tayo'y nagkita

16 Umaga man, tanghali o gabi

17 Natutuwa akong makita kang muli


18 Nais ko ay makasama ka

19 Ka-hati sa walang hanggang ligaya

20 Ka-tawanan magmula umaga

21 Ako'y nasasabik sa bawat araw

22 Dahil ka-piling ko ay laging ikaw


23 Dahil ka-piling ko ay laging ikaw


Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment