Bubog Lyrics - Cup of Joe
1 Matang natatakot
2 Luhang nakabalot
3 Puso’y napapagod
4 Isip ay umiikot
5 Sa imaheng nais kong matunton
6 Meron pa kayang hangganan
7 Ngiting mapanlinlang
8 Dahil ayaw kong tumingin sa salamin
9 At mapagtantong mahirap ngang tanggapin
10 Ang ‘sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit
11 Maging sapat gawin man ang lahat
12 Kailan kita masisilayan
13 At kakayanang pagmasdan
14 Laging gumuguhit
15 Sa brasong namamanhid
16 Tuluyang inuukit sa isip
17 Na mas kakayaning manatili sa dilim
18 Dahil ayaw kong tumingin sa salamin
19 At mapagtantong mahirap ngang tanggapin
20 Ang ‘sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit
21 Maging sapat gawin man ang lahat
22 Kailan kita masisilayan
23 At kakayanang pagmasdan
24 Puro sugat at hiwa’ng aking paningin
25 Dulot ng bawat maling nakikita sa ’kin
26 Sinubukan ko mang iwasan ang salamin
27 Aking damdamin ay puro bubog pa rin
28 Dahil ayaw kong tumingin sa salamin
29 At mapagtantong mahirap ngang tanggapin
30 Ang ‘sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit
31 Maging sapat gawin man ang lahat
32 Kailan kita masisilayan
33 At kakayanang pagmasdan
34 Dahil ayaw kong tumingin
35 Ayaw ko
36 Pagod na ‘kong tumingin
37 At makita ang hindi ko kayang mahalin
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment