Estranghero Lyrics - Cup of Joe

1 'Di na alam kung ba't na ganito

2 Mga kilos ay nagbago

3 Pipilitin pa ba o kusang lalayo

4 Sa puso mong nanlalabo?


5 Ang dating alam, panaginip na lang

6 Mga sana'y 'di mabilang

7 Hinahanap-hanap, tamis ng nakaraan

8 Ba't tinatalikuran?


9 Ako ay litong-lito, saan ba ito patungo?

10 'Di ko na alam kung dapat bang ihinto

11 'Di alam ang sasabihin, 'di alam ang aking gagawin

12 Kung mananatili sa 'yo, minamahal kong estranghero


13 Lagi na lang akong nangangapa

14 'Di na kita matimpla

15 Hanggang dito na lang ba tayong dalawa?

16 Pupunta na lang ba sa wala


17 Ako ay litong-lito, saan ba ito patungo?

18 'Di ko na alam kung dapat bang ihinto

19 'Di alam ang sasabihin, 'di alam ang aking gagawin

20 Kung mananatili sa 'yo, minamahal kong estranghero


21 'Di man lang nagsabi, biglang umalis

22 Kasama ka ngunit ba't nangungulila pa rin?

23 'Di mapinta ang nadarama

24 Ang anino mo'y 'di na makilala


25 Kahit na litong-lito, sa iyo pa rin tutungo

26 'Di man sigurado, 'di pa rin hihinto

27 Isa lang ang sasabihin, isa lang ang aking gagawin

28 Muli kitang kikilalanin, minamahal kong estranghero

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment