Hayaan Lyrics - Cup of Joe
1 Ngayo'y bumabalik ang mga alaalang kay pait
2 Muling naririnig ang mga salitang iyong nasambit
3 Nadarama muli ang mga yakap mong mahigpit
4 Kaya hayaan sana na ako ngayo'y mapag-isa
5 Isara ang pinto, ipatulo ang mga luha
6 Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
7 Isipang gulo at 'di pa sanay
8 Na ika'y wala na
9 Na ika'y wala na
10 Dahan-dahang sasanayin ang aking sarili
11 Unti-unting aangat, naghihintay ng tamang saglit
12 Hinay-hinay, 'wag naman sanang imadali
13 Kaya pagbigyan na na ako ngayo'y mapag-isa
14 At 'wag nang mag-alala, sa tamang panahon, ako'y babangon na
15 Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
16 Isipang gulo at 'di pa sanay
17 Na ika'y wala na
18 Na ika'y wala na
19 Malalim na hininga, damdamin ibuga
20 Nabibingi sa katahimikang dala
21 Ng pusong hingalo
22 Pagod, sumusuko
23 Whoa-oh-oh, oh-oh-oh-oh
24 Whoa-oh-oh, oh-oh-oh-oh
25 Whoa-oh-oh, oh-oh-oh-oh
26 Whoa-oh-oh
27 At aking aalamin, mga tanong na 'di binabanggit (oh, oh)
28 Mga sagot, hinihingi, hahanapin ang nakakubli (oh, oh)
29 'Pinaglaban, 'pinaglaban ko sana
30 Ngunit wala na, wala na 'kong magawa
31 At aking aawitin
32 Lahat ng damdaming kinimkim
33 'Di na kayang mawala
34 Kaya hayaan sana
35 Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
36 Isipang gulo at 'di pa sanay
37 Na ika'y wala na
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment