Misteryoso Lyrics - Cup of Joe

1 O heto ka na naman

2 Umiiwas ng tingin

3 Laging nakatanaw sa mga tala’t

4 Nakadungaw sa bintana

5 Kailan mo ba magagawang

6 Italiwas sa dilim

7 Ang natatanging kagandahang

8 Nababalot ng hiwagang

9 Humalina sa akin

10 Kahit na ika’y hindi ko maintindihan

11 Nais masilayan ang iyong mga matang

12 Puno ng lihim at ng kislap

13 Mananatili na nga lang bang isang estranghero

14 O pagbibigyan ang puso kong


15 Natotorete sa ’yo

16 Hindi alam kung bakit ba ‘ko nabighani sa iyo

17 Hindi alam kung bakit ba gan’to kahit na alam kong

18 Mukhang wala rin naman itong patutunguhan

19 Kahit pa ilaan lahat ng oras sa ’yo

20 Hindi titigil hanggang

21 Ako na ang dahilan

22 Ng ‘yong ngiting misteryoso


23 O araw-araw na lang

24 Akong bumubulong sa hangin

25 Ilang awit pa ba ang isusulat

26 Wala na bang hangganan

27 Kailan mo ba mapapansin

28 Nais masilayan ang iyong mga matang

29 Puno ng lihim at ng kislap

30 Mananatili na nga lang bang isang estranghero

31 O pagbibigyan ang puso kong


32 Natotorete sa ’yo

33 Hindi alam kung bakit ba ‘ko nabighani sa iyo

34 Hindi alam kung bakit ba gan’to kahit na alam ko

35 Mukhang wala rin naman itong patutunguhan

36 Kahit pa ilaan lahat ng oras sa ’yo

37 Hindi titigil hanggang

38 Ako na ang dahilan

39 Ng ‘yong ngiting misteryoso

40 Mga mata’y nagkatagpo

41 Habang naglalaban ang hiwaga ng liwanag at ng dilim

42 Nang ‘yong biglang napagtanto

43 Na ikaw na rin pala ay narahuyo


44 ‘Di maipaliwanag kung bakit nabighani sa iyo

45 Walang rason, walang pero

46 Basta ito ay totoo


47 ‘Di akalaing makakapiling ko ang isang katulad mo

48 Tila isang engkantong laging hinahanap-hanap ko

49 O giliw tanging ikaw ang patutunguhan

50 Kahit pa salungat ang aking oras sa ’yo

51 ‘Di makapaniwalang

52 Ako na ang dahilan

53 Ng ‘yong ngiting misteryoso


54 (Darum darararum)


55 Misteryoso

56 (Ohh ohh)


57 Misteryoso


Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment