Multo Lyrics - Cup of Joe

1 Humingang malalim, pumikit na muna

2 At baka sakaling namamalikmata lang

3 Ba't nababahala? 'Di ba't ako'y mag-isa?

4 Kala ko'y payapa, boses mo'y tumatawag pa


5 Binaon naman na ang lahat

6 Tinakpan naman na 'king sugat

7 Ngunit ba't ba andito pa rin?

8 Hirap na 'kong intindihin


9 Tanging panalangin, lubayan na sana

10 Dahil sa bawat tingin, mukha mo'y nakikita

11 Kahit sa'n man mapunta ay anino mo'y kumakapit sa 'king kamay

12 Ako ay dahan-dahang nililibing ng buhay pa


13 Hindi na makalaya

14 Dinadalaw mo 'ko bawat gabi

15 Wala mang nakikita

16 Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim


17 Hindi na nananaginip

18 Hindi na ma- makagising

19 Pasindi na ng ilaw

20 Minumulto na 'ko ng damdamin ko (ng damdamin ko)


21 'Di mo ba ako lilisanin?

22 Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin? (damdamin ko)

23 Hindi na ba ma- mamamayapa?

24 Hindi na ba ma- mamamayapa?


25 Hindi na makalaya

26 Dinadalaw mo 'ko bawat gabi

27 Wala mang nakikita

28 Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim


29 Hindi na nananaginip

30 Hindi na ma- makagising

31 Pasindi na ng ilaw

32 Minumulto na 'ko ng damdamin ko (ng damdamin ko)


33 (Makalaya) hindi mo ba ako lilisanin?

34 (Dinadalaw mo 'ko bawat gabi)

35 Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin? (Wala mang nakikita)

36 Hindi na ba ma- mamamayapa? (Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim)

37 Hindi na ba ma- mamamayapa?

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment