Nag-Iisang Muli Lyrics - Cup of Joe

1 Kay lamig ng simoy ng hangin

2 Mga tala'ng yumayakap sa akin

3 Kasabay ng aking pagpikit

4 Suminag ang pait, pag-asa'y 'di masilip


5 Sa gitna ng gabing kay dilim

6 Naghihintay mula takip-silim

7 'Di susuko sa pagtitiwalang

8 Ikaw ay makakamtan nang hindi panandalian


9 Kahit kumpiyansa'y unti-unting nawawala

10 'Di uubra ang hamon ng duda


11 Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na

12 Ng puso kong naghihintay na makasama ka

13 Sa 'king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan

14 Ikaw ang hanggan


15 Patuloy na inaasam na masilayan na kita

16 Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala

17 Ang kahilingang mahanap kita

18 Ang tanging hangad ng puso'y ikaw


19 Makulimlim na pagsikat ng araw

20 Nananaig na ang boses na bumibitaw

21 Bingi-bingian na naman

22 Pilit na tinatakpan, pusong nananawagan


23 Kay ginaw ng tanghaling tapat

24 Mga ginagawa'y 'di pa rin sapat

25 Sumagi sa 'king pag-iisip

26 Damdami'y kinikimkim, sa sarili'y 'di maamin


27 Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na

28 Ng puso kong naghihintay na makasama ka

29 Sa 'king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan

30 Ikaw ang hanggan


31 Patuloy na inaasam na masilayan na kita

32 Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala

33 Ang kahilingang mahanap kita

34 Ikaw ang hangad


35 Balik takip-silim, sasapit na'ng gabi

36 Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli

37 Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim

38 Puso'y nagising, nag-iisang muli muli


39 Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na

40 Ng puso kong naghihintay na makasama ka

41 Sa 'king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan

42 Ikaw ang hanggan


43 Patuloy na inaasam na masilayan na kita

44 Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala

45 Ang kahilingang mahanap kita (makita ka)

46 Ang tanging hangad ng puso'y ikaw (mahanap ka, mahuli ka konti, ah-ah)


47 (Balik takip-silim, sasapit na'ng gabi) ng puso'y ikaw

48 (Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli) ng puso'y ikaw

49 (Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim, puso'y nagising)

50 Nag-iisang muli

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment