Silakbo Lyrics - Cup of Joe
1 (Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo)
2 (Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok)
3 ('Wag na tatalikuran ang bigat ng unos)
4 ('Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo)
5 Magpapalunod ba sa dilim
6 O titingin sa mga bituin
7 Tutulugan ang gabi
8 O ito′y aangkinin
9 Ipapabukas ko na lang ba ulit
10 Siya na lang bang magdidikta
11 Ng aking pulso at paghinga
12 'Di alam ang gagawin
13 Gulo ba'y haharapin
14 Tatakbo o dapat bang tiisin
15 Dahan-dahang kumawala
16 Sa kapit na dinadala
17 'Di na magpapaakit pa
18 Sa kapit ng 'yong mata
19 Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
20 Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
21 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
22 'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo
23 Naaarawan na ang sakit
24 Umagang tila nanlalambing
25 Ako′y babangon na muli
26 Nang hindi nakapikit
27 Tumatamis na ang lahat ng pait
28 Dahan-dahang kumawala
29 Sa kapit na dinadala
30 'Di na magpapaakit pa
31 Sa kapit ng iyong mata
32 Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
33 Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
34 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
35 'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo
36 Oh, oh, oh
37 Oh, oh, oh
38 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
39 'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo
40 Mga silid sa bahay ng ating damdamin
41 'Di na muling papatinag sa dilim
42 Lalakasan ang himig ng mga salamin
43 Palayain mga sigaw sa dingding
44 Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
45 Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
46 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
47 'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo
48 Oh, oh, oh
49 Oh, oh, oh
50 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
51 'Pag nasugat ′wag pigilan ang silakbo
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment