Tataya Lyrics - Cup of Joe
1 Umaga na sa 'kin, ngunit ay bituin at buwan pa rin
2 Ang 'yong nakikita habang pumipikit ka na
3 Sa bawat pagtawag, ang oras, tinatabi
4 At ang puso ay magkalapit, pero malayo ka pa rin
5 Kahit ilang dagat man ang pagitan natin
6 Hangga't ika'y abot-tanaw, ito'y lalakbayin
7 'Wag ka nang magduda pa, 'di mapagkakaila
8 Magkaiba man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo
9 Saan man mapadpad, madala o malipat
10 Magkalayo man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo
11 Akala ko dati, malayong mangyari
12 Na mawawalan na ng gana, parang paulit-ulit na
13 Ano mang humarang sa daan, 'wag mong lilimutin
14 Na ako'ng hanging bumubulong, at ang araw na yumayakap
15 Sa iyong-iyo lang babalik ang puso kong ito
16 Kahit magunaw ang lahat, 'di pa rin hihinto
17 'Wag ka nang magduda pa, 'di mapagkakaila
18 Magkaiba man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo
19 Saan man mapadpad, madala o malipat
20 Magkalayo man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo
21 Kahit na malayo, kahit na 'di kabisado
22 Kahit na mundo'y magbago, kahit na, kahit na
23 Kahit na walang masabi, kahit na nandito palagi
24 Kahit na mananatili, kahit na
25 'Wag ka nang magduda pa, 'di mapagkakaila
26 Magkaiba man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo
27 Saan man mapadpad, madala o malipat
28 Magkalayo man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment