153 Lyrics - Dionela
1 Bakit napatid nung napatid
2 Kulay pulang tali
3 Nating nagbibigkis dati
4 Sa 'ting dalawa
5 Likas sa 'ting lumikas
6 'Pag bagyo'y nagbabadya
7 Bakit ngayon tahanan natin ay nawawala
8 Walang ibang galaw
9 Kung 'di ang bumitaw
10 Mga paro-paro sa tiyan ko
11 Ay naging barang
12 Walang maling galaw
13 Nung meron pang ikaw
14 Nagsilbing mapa
15 Ngunit ba't ako'y inililigaw
16 Bakit ganito
17 Sinanay mo ko
18 'Tas bigla kang lumayo
19 Wala nang bisa yung isa, apat, tatlo
20 Eto wala nangang tumitibok sa dibdib ko
21 Baka naiwan ko sa 'yo
22 (Lipad, lipad, paro-paro lipad)
23 (Lipad, lipad, paro-paro lipad)
24 Hindi na ako mabubuo
25 (Lipad, lipad, paro-paro lipad)
26 (Lipad, lipad, paro-paro lipad)
27 Wala nang makapitang patalim, yeah
28 Nagyelo na yung dati na mainit
29 Ang musika ay tila tumatahimik
30 Kaya mo naman pa lang umayaw
31 Bakit ka pa sumama sa 'kin palayo
32 Diretso lang di ba ba't ka lumiko
33 Pa'no lalakad na sayo'y sulo
34 Dala palayo, ngayon sa dilim ako nakatayo
35 Walang ibang galaw
36 Kung 'di ang bumitaw
37 Mga paro-paro sa tiyan ko
38 Ay naging barang
39 Walang maling galaw
40 Nung meron pang ikaw
41 Nagsilbing mapa
42 Ngunit ba't ako'y inililigaw
43 Bakit ganito
44 Sinanay mo ko
45 'Tas bigla kang lumayo
46 Wala nang bisa yung isa, apat, tatlo
47 Eto wala nangang tumitibok sa dibdib ko
48 Baka naiwan ko sa 'yo
49 (Lipad, lipad, paro-paro lipad)
50 (Lipad, lipad, paro-paro lipad)
51 Hindi na ako mabubuo
52 (Lipad, lipad, paro-paro lipad)
53 (Lipad, lipad, paro-paro lipad)
54 Ako ang nasa dulo ng bahaghari
55 Langit ay hindi na sa 'king labi
56 Pwede pa bang angkinin
57 Ang nawala mong pagtingin
58 Dating tunay ngayon naging kunwari
59 Puso mong iba na ang may-ari
60 Ako'y aasang dadating
61 Araw na ika'y babalik
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment