Akala Lyrics - Dionela

1 Nanlalamig, hinihintay na bumalik

2 Pangakong tinangay ng hangin

3 Nagtataka, ba't lumisan ka na lang bigla

4 Na para bang walang nangyari?

5 Minahal ngunit kunyari


6 Nangakong habang-buhay kang kasama

7 Oh, bakit hanggang dulo'y 'di sumama?


8 Akala ko ay tayo na, umaasang wala nang luluha pa sa 'ting dalawa

9 Inakalang ikaw ang sagot sa dalangin, oh, ba't ngayo'y wala ka na?

10 Akala ko'y hindi na mawawalay pa sa isa't isa

11 Akala lang pala


12 'Di umiimik, luha'y tago sa 'king mga ngiti

13 Puso'y pangalan mo ang sinasabi

14 Kay hirap tanggapin, ako'y bigo sa 'king mga hiling

15 Nakatadhanang 'di ka para sa akin

16 Mga bulong ng pusong sinungaling


17 Nangakong habang-buhay kang kasama

18 Oh, bakit hanggang dulo'y 'di sumama?


19 Akala ko ay tayo na, umaasang wala nang luluha pa sa 'ting dalawa

20 Inakalang ikaw ang sagot sa dalangin, bakit ngayo'y wala ka na?

21 Akala ko'y hindi na mawawalay pa sa isa't isa

22 Akala lang pala

23 Akala lang pala

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment