Musika Lyrics - Dionela

1 Ikaw lang, mahal; laman ng tula

2 Tunog ng gitara't himig ng kanta

3 Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala

4 Hiwaga mong dala

5 Ikaw aking musika


6 Kung dumating ang araw na 'di na maalala

7 Ng iyong mata ang aking mukha

8 Mahal, 'wag kang mag-alala, tanda naman ng puso

9 Ang itsura ng naging pagsinta


10 Kung oras ay nababalik lang sana

11 Ay babalik no'ng una kang nakita

12 Muli kang liligawan nang muli kong maranasan

13 Ang umibig sa anghel sa lupa


14 Ikaw lang, mahal; laman ng tula

15 Tunog ng gitara't himig ng kanta

16 Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala

17 Hiwaga mong dala

18 Ikaw aking musika


19 Kung utak ay hindi na kayang gumawa ng melodiya

20 Para pisngi mo'y pumula

21 Memorya ko man ay wala, nakatatak na

22 Sa tadhanang minsan sa 'yo'y namangha


23 Kung oras ay nababalik lang sana

24 Ay babalik no'ng una kang nakita

25 At aking iuulat sa iyong umabot nang walang-hanggan

26 Ang 'storya nating dal'wa


27 Ikaw lang, mahal; laman ng tula

28 Tunog ng gitara't himig ng kanta

29 Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala

30 Hiwaga mong dala

31 Ikaw aking musika


32 Ikaw lang, mahal; laman ng tula

33 Tunog ng gitara't himig ng kanta

34 Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala

35 Hiwaga mong dala

36 Ako ang 'yong musika

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment