Tuwing Umuulan At Kapiling Ka Lyrics - Eraserheads


1 Pagmasdan ang ulan,

2 Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak

3 Pagmasdan ang dilim,

4 Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan


5 Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda,

6 Kasabay rin ng hanging kumakanta


7 Maari bang huwag ka na

8 Sa piling ko'y lumisan pa hanggang ang hangi't ula'y tumila na


9 Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan

10 Tulad ng pag-agos mo,

11 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab

12 Pag-ibig ko'y umaapaw,

13 Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

14 Tuwing umuulan at kapiling ka


15 Pagmasdan ang ulan,

16 Unti-unting tumitila

17 Ikaw ri'y magpapaalam na

18 Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa

19 Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi


20 Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa

21 Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo

22 Pag-ibig ko'y umaapaw,

23 Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

24 Tuwing umuulan at kapiling ka

25 (Oooohhh)


26 Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa

27 Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi


28 Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan

29 Tulad ng pag-agos mo,

30 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab

31 Pag-ibig ko'y umaapaw,

32 Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

33 Tuwing umuulan at kapiling ka


34 Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa

35 Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo

36 Pag-ibig ko'y umaapaw,

37 Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

38 Tuwing umuulan at kapiling ka


Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment