Aswang sa Maynila Lyrics - fitterkarma
1 'Di na sana
2 Tumingin sa mga matang
3 Lumuluha ng dugo
4 Sa tuwing tumitibok
5 Ang puso ko para sa'yo
6 Na pilit kong pakainin sa'yo
7 Sa huling awiting sinulat ko
8 Gusto kong sabihin mo
9 Kahit anong pilitin ko
10 Isa akong aswang sa Maynila
11 Ng puso mo
12 Tumayo ang balahibo nang makita kita
13 Gumagapang, gumugulong mga salita
14 Sa isipan madalas kung yayakapin kita
15 Nangangarap araw-araw na (Makasama uli kita)
16 Sa dulo ng mundo hahanapin ka
17 Bawat dagat sisisirin kung hirap huminga
18 Kahit ako ang iyong sisihin pag malunod ka
19 At nalunod nga
20 Kaya sana sabihin mo
21 Kahit anong pilitin ko
22 Isa akong aswang sa Maynila
23 Ng puso mo
24 Paano na ako?
25 Kung iisip mo, kahit limutin mo
26 Lilibutin ko, uubusin ko ang sarili ko
27 Pati ang puso mo
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment