fitterkarma - Pag-Ibig ay Kanibalismo II (OFFICIAL MUKBANG VIDEO) Lyrics - fitterkarma

1 Tayo'y magmo-motor

2 Sa mga kalsada ng Siquijor

3 At magsigawan tayo na parang nasa horror

4 Tayo'y magkatay ng tao

5 Sabay isalang at iadobo

6 Huwag ka lang magsabi ng totoo


7 Ibabalik kita nang buong-buo

8 Pangako 'yon sa 'yo

9 Sa 'yo lang ang puso ko

10 Kahit kainin mo


11 Magdodroga tayo

12 Kimi lang, bawal 'yon (kimi lang, bawal 'yon)

13 'Di ako masamang tao

14 Pumapatay lang ako

15 Ng kalungkutan ko

16 Pati ng sa 'yo


17 Ibabalik kita nang buong-buo

18 Pangako 'yon sa 'yo

19 Sa 'yo lang ang puso ko

20 Kahit kainin mo


21 At hahalik ka nang may lipstick na dugo

22 Sa labi kong punong-puno

23 Ng panlasa ko sa 'yo


24 Kanibalismo, 'di ka matiis

25 Kapag inalis mo, ika'y mami-miss

26 'Di nagmamalinis

27 Oh, ika'y mami-miss

28 'Di ka matitiis

29 Tatlo na sais

30 Pag-ibig mong kay tamis

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment