Bata, Dahan-Dahan x Nadarang Lyrics - IV Of Spades
1 Andiyan ka na naman, 'di ko maiwasan
2 Tumingin sa 'yong liwanag
3 Nadarang na naman sa 'yong apoy
4 Sa mundong kinagagalawan
5 'Wag hahayaang magaya sa iba
6 Kawalang-sala
7 May lakad ka ba mamaya?
8 Pwede ka ba makasama sa paggagala?
9 Kung sakaling 'di ka pwede
10 Sa bagay, mayro'n din akong ginagawa
11 Siguro nga, napapaisip ka
12 Ba't ako nangangamusta?
13 Ilang araw ka nang naroon sa panaginip ko
14 Nag-aalala lang ako, baka sa'n ka mapunta
15 Pero mukhang ayos ka naman
16 Kahit 'di na kita abalahin pa
17 Ilang "Ama Namin" pa ba ang dapat
18 Para patago kang mag-alala sa 'kin, huh?
19 Habang pinapantasya lamang nila
20 Ay maskara mo sa gabi at pitaka mo sa umaga
21 'Yung ikaw sa likod ng kolorete pati ng
22 Nangangahulugang sa salitang paraiso para sa 'kin
23 'Wag hahayaang magaya sa iba
24 Kawalang-sala
25 Halika na't tuklasin
26 Ang mundong puno ng isip-hangin
27 Halika na't tuklasin
28 Ang mundong puno ng isip-hangin
29 Halika na't tuklasin
30 Ang mundong puno ng isip-hangin
31 Halika na't tuklasin
32 Ang mundong puno ng isip-hangin
33 May lakad ka ba mamaya?
34 Sana madaanan mo 'ko pagkatapos
35 Sabihin mo ngayon, ako'y makakaasang
36 Dito ka dadalhin ng iyong sapatos
37 Kung ngayong gabi lang naman ang magiging dahilan
38 Ay handang-handa pa din naman ako mamaos
39 Nakakalubag ka man ay sa mas nakakalibang
40 Na paraan kita tutulungan makaraos
41 Bakit ka nagparamdam?
42 Siguro 'di na kayo nilanggam
43 Ba't kaya 'di niya alam ang iyong halaga
44 Kung ga'no ka kalinamnam
45 Iniwasan ko mang matakam nang 'di halata
46 Ang hirap nang magpabaya
47 Kapag tawag na ng laman ang nagbadya
48 Makipaglangit-lupa nang walang taya
49 'Wag hahayaang magaya sa iba
50 Kawalang sala
51 Andiyan ka na naman, 'di ko maiwasan
52 Tumingin sa 'yong liwanag
53 Nadarang na naman sa 'yong apoy
54 Sa mundong kinagagalawan
55 Andiyan ka na naman, 'di ko maiwasan
56 Tumingin sa 'yong liwanag
57 Nadarang na naman sa 'yong apoy
58 Sa mundong kinagagalawan
59 'Wag hahayaang magaya sa iba
60 Kawalang-sala
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment