Ilaw Sa Daan Lyrics - IV Of Spades
1 Mga ilaw sa daan, nakikisabay sa liwanag ng buwan
2 Habang ako'y nakatingin sa kawalan nang hindi mo pansin
3 Mga taong nalampasan ng apat na gulong na akin ngang sinasakyan
4 Sa inipong usok ay bitin na nakaipit sa gitna at pangbituin
5 Tuloy-tuloy sa pagtakbo
6 Biglaang hihinto sa dulo
7 Kung makikita mo naman, lahat sila ay nagkakaisa
8 Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
9 Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw
10 Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw
11 Mga tao sa daan, sila'y sabay-sabay sa paggawa ng paraan
12 Upang lapitan ang lasing na unti-unting umiikot ang paningin
13 Tuloy-tuloy sa pagtakbo
14 Biglaang hihinto sa dulo
15 Kung makikita mo naman, lahat sila ay nagkakaisa
16 Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
17 Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw
18 Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw
19 Ooh-ooh, ooh, ooh-ooh, ooh
20 Ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh
21 Kung makikita mo naman, lahat sila ay nagkakaisa
22 Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
23 Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw
24 Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw
25 Kung makikita mo naman
26 Tumatalon, sumisigaw
27 Hindi mo na mapipigilan
28 Sulitin mo ang buong gabi
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment