Namamasko Po Lyrics - IV Of Spades
1 Sa may bahay ang aming bati
2 Merry Christmas na mal'walhati
3 Ang pag-ibig 'pag s'ya'ng naghari
4 Araw-araw ay magiging pasko lagi
5 Ang sanhi po ng pagparito
6 Hihingi po ng aguinaldo
7 Kung sakaling kami'y perwisyo
8 Pasensya na kayo't kami'y namamasko
9 Sa may bahay na'ng handa
10 Tuwing pasko sa bawat kanin
11 Kahit gano'n pa man ay nanatiling masayahin
12 Pagsaluhan ang putaheng sa aming bahay nanggaling
13 Kahit ano pa 'yan basta mula sa 'yong damdamin
14 Sa may bahay na nasa malayo ang ama't ina
15 Bitaw bigla sa pag-aaral ang anak nila
16 Magkaiba man ang hulma at hugis ng ating tahanan
17 Ang mahalaga sa bawat isa may pagmamahalan
18 Ang sanhi po ng pagparito
19 Hihingi po ng aguinaldo
20 Kung sakaling kami'y perwisyo
21 Pasensya na kayo't kami'y namamasko
22 Sa may bahay na mala-palasyo at kaharian
23 Pero laging 'di makumpleto sa hapag-kainan
24 'Di na kailangan kumilos para gutom maibsan
25 Kaso parang may kulang na 'di makuha sa 'pagbilhan'
26 Sa bahay na may tulay pagtapak-pasok sa ibabaw
27 Na napakausok t'wing matutulog lagi 'pag babaw
28 Kahit na iba-iba hugis ng ating tahanan
29 Ang mahalaga sa bawat isa may pagmamahalan
30 Ang sanhi po ng pagparito
31 Hihingi po ng aguinaldo
32 Kung sakaling kami'y perwisyo
33 Pasensya na kayo't kami'y namamasko
34 Pasensya na kayo't kami'y namamasko
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment