Sa Kahapon Lyrics - IV Of Spades
1 Sa kanya kanyang pangarap na nakipaghabulan
2 Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan
3 Mag-tampisaw sa tag-ulan ng kaligayahan mapunan
4 Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan
5 Anumang dumating na problema dedma
6 Barya lang ang katapat ng tawang abot tenga
7 Di ko namalayang tumakbo 'yung panahon
8 Kung hindi pa ko lilingon sa dating pitaka't lamesa
9 Dati ko'ng mundo palaruang malawak
10 Sa piling ng bawat katotong kasabay ko mangarap
11 Tawidin ang alapaap ng pati buwan makayakap
12 Eto na ang panahon para gatong natin mag-alab tara
13 Bakas ng kapalaran ko
14 Tangi kong sandata
15 Samahan mo ako lumingon sa kahapon
16 Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
17 Sa mga dati at ngayong nakasama
18 Nagpapasalamat kami sa alaala
19 Ganun padin ang mundo naging makulay lang siya para sa'kin
20 Sa tulong ng kada berso kong inuumaga
21 Ako pa din 'tong kayang makisama makitawa
22 Magpakalango sa nakaraan nating alaala
23 Madami mang padating na dapat pang yakapin diyan
24 Pagsubok sa piniling kapalaran parte yan
25 Saludo sa mga tropa na palaging nandiyan
26 Kahit saan para sa dagok makipasan
27 Sa ngayong kami naman mangibabaw o pangibabawan
28 Ay walang ayawan sa pinapantasyang katuparan
29 Nakaraan pasanin pahirapang ilarawan
30 Dating ingay ng tahanang naging boses ng lansangan
31 Bakas ng kapalaran ko
32 Tangi kong sandata
33 Samahan mo ako lumingon sa kahapon
34 Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
35 Sa mga dati at ngayong nakasama
36 Nagpapasalamat kami sa alaala
37 'Wag kang mangaba sa aking pag-alis
38 'Wag kang mangaba sa aking pag-alis
39 'Wag kang mangaba sa aking pag-alis
40 'Wag kang mangaba sa aking pag-alis
41 Silang mga nagtiwala sa'kin nung wala pa kong
42 Alam sa kayang mabago ng barang kinabisado
43 Sa kubeta't lababo hanggang sa TV at radyo
44 Nabigyang kahulugan ang kada pagod at plano
45 Bilang regalo itong awitin muna sa ngayon
46 Na mananatiling nandiyan mapawala ka't magkaron
47 Siyang paalala na din kasama mo 'ko palagi
48 Anumang hinaing sa pagsubok mo ako'y kahati
49 Dati nakatingala lang tayo sa mga tala
50 'Wag mag-alangan abutin sige ako bahala
51 Maging halimbawa at gabay mo para maniwala
52 Sa'yong makakaya bilang kapatid mo kay Bathala
53 Samahan mo ako lumingon sa kahapon
54 Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
55 Samahan mo ako lumingon sa kahapon
56 Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
57 Sa mga dati at ngayong nakasama
58 Nagpapasalamat kami sa alaala
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment