Lupin Lyrics - Janno Gibbs


1 Sino ka nga ba at ano ang iyong nakaraan?

2 Bandido lamang ba o may iba pang dahilan?

3 Tila buong mundo ay pilit tinutugis ka

4 Sa bawat kilos mo, may nagmamatyag na mata


5 Mailap, madulas, sadyang mapangahas

6 Matinik, mabilis at 'di umaatras

7 Malakas ang dating, magaling tumakas

8 Kahit na katiting ay walang iiwanang bakas

9 Subukang hulihin si Lupin


10 May angkin kang taglay na sinuma'y 'di papantay

11 Ngunit mag-ingat ka, ako'y laging nakabantay

12 'Wag mong sabihin na walang kinatatakutan

13 Sinisiguro ko, mayro'n ka ring kahinaan

14 Hahanapin ko 'yan


15 Mailap, madulas, sadyang mapangahas

16 Matinik, mabilis at 'di umaatras

17 Malakas ang dating, magaling tumakas

18 Kahit na katiting ay walang iiwanang bakas

19 Subukang hulihin si Lupin


20 Yakapin mo ang puso ko, alipin ng pag-ibig mo

21 'Di makatakas sa aking nakaraan

22 Gagawin ko'ng lahat, mahuli ang iyong pagsinta


23 Mailap, madulas, sadyang mapangahas

24 Matinik, mabilis at 'di umaatras

25 Malakas ang dating, magaling tumakas

26 Kahit na katiting ay walang iiwanang bakas

27 Subukang hulihin si Lupin


28 Ako'y ibigin, oh Lupin


29 Subukang hulihin si Lupin



Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment