Sampaguita Lyrics - Juan Karlos

1 Oh, aking sinta, pasensiya ka na

2 Kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa

3 Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha

4 Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha

5 Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi

6 Kay dami ng taon ang kailangan kong mabawi

7 Nagdaang mga Pasko, Bagong Taon at araw

8 Ng mga pusong hindi kita makuhang madalaw


9 At maabutan man lang ng paboritong bulaklak

10 'Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak

11 Sa mundong 'di sigurado, isa lamang ang tiyak

12 Mag-isa ka lang nang isinilang mo'ng ating anak

13 Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan

14 Mga "sana" na mahirap nang bilangin kung ilan

15 Sa pagkain sa labas ay 'di kita masabayan

16 At sa paglubog ng araw, 'di kita matabihan


17 Kahit saan man mapadpad

18 Sa 'yo pa rin ako babalik, giliw

19 Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita

20 Sa halimuyak ng 'yong...


21 Anak, kaarawan mo na ulit

22 'Wag mong kalimutang suutin ang bago mong damit

23 Tandaan mo lagi kahit 'di tayo magkalapit

24 Naaalala ka ni Tatay tuwing ako'y pumipikit

25 Patawarin mo ako, anak, kung hindi kita

26 Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola

27 O lumangoy sa batis na katulad ng iba

28 At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta


29 Magbutones ng uniporme mo sa unang araw

30 Ng pasok sa eskuwela, puso ko'y nag-uumapaw

31 Sa tuwa dahil ganyang-ganyan ako noon

32 Ngunit agad napapaluha 'pag ika'y nagtatanong

33 "Kailan ka uuwi?", sa 'kin ay binubulong

34 Sagot na "Bukas na, anak" ay palaging nakakulong

35 Sa pagtakbo'y madadapa, minsan ay masasaktan

36 Pero sugat mo sa tuhod, hindi ko mahalikan


37 Kahit saan man mapadpad

38 Sa 'yo pa rin ako babalik, giliw

39 Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, la-la-la-la

40 Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, la-la-la, ha

41 Sa halimuyak ng 'yong...


42 Dumating na'ng araw na aking pinakahihintay

43 Malapit nang magsimula ang aking paglalakbay

44 Pabalik sa 'king pamilya kahit napakalayo

45 Mula sa lugar na para kumita ay dinayo

46 Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na

47 Tsokolate at laruan, pati sabong panlaba

48 Eroplano'y lumapag na, ako lamang mag-isa

49 Ang babiyahe pauwi para masorpresa sila


50 Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba

51 Ang tingin sa 'kin ng mama na sa manibela, malayo akong dinala

52 No'ng tanungin ko, "Teka muna, pare", ay bigla na lamang s'yang natawa

53 Nag-iba'ng aking kaba; teka, bakit may pumasok pa na dalawa?

54 Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim

55 Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko nang palihim

56 Dahil ang laman nito ay ang lahat ng mga araw na ako'y nakatingin

57 Sa bituin kahit madilim, pero bakit sa dulo'y ako pa rin ang bibiguin?


58 Kahit saan man mapadpad

59 Sa 'yo pa rin ako babalik, babalik, giliw

60 Sa halimuyak, sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, sampaguita

61 Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, la-la-la-la, oh

62 Sa halimuyak ng 'yong (sampaguita)

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment