Hanggang Wakas Lyrics - Juris Fernandez


1 Ahh ahh...


2 Kay tagal kong naghanap ng isang katulad mo

3 Katuparan ng pangarap ang ako'y mahalin mo

4 Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin

5 Ngayon nagtatanong bakit bigla kang babawiin

6 Kung kailan pa natagpuan pag-ibig na walang hanggan

7 Saka naman puputulin ng isang mabigat na karamdaman


8 Kung pwede lang pigilan ang takbo ng sandali

9 At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi

10 Mamahalin pa rin kita

11 Kahit na alam ko na mawawala ka

12 Asahan mong pag-ibig ko'y wagas

13 Tayong dalawa hanggang wakas


14 Huwag ka nang mag-alala na ako'y mag-iisa

15 Pipilitin kong kayanin masakit mang tanggapin

16 Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin

17 Ngayon 'di na magtatanong kung bakit babawiin

18 Alam ko na ito'y paalam lang na pansamantala

19 Balang araw ikaw rin at ako ay muling magkakasama...


20 Kung pwede lang pigilan ang takbo ng sandali

21 At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi

22 Mamahalin pa rin kita

23 Kahit na alam ko na mawawala ka

24 Asahan mong pag-ibig ko'y wagas

25 Tayong dalawa hanggang wakas


26 Asahan mong pag-ibig ko'y wagas

27 Tayong dalawa hanggang wakas


Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment