Byahe (Hunyo) Lyrics - Kyle Raphael

1 Sandal ka muna sa 'kin

2 Malayo pa ang b'yahe natin

3 Matulog ka na lang, antukin

4 'Di na kita guguluhin


5 At kung mapagod ka, andito lang ako

6 Sumandal ka sa mga balikat ko

7 Isang biyaya ka sa mundong ito

8 Na iingatan ko ng buong puso ko


9 Wala na 'kong hahanapin pa

10 Dahil sa biyaheng ito, ikaw ang kasama

11 Kahit ilang oras pa

12 Handa akong mag-antay

13 Basta't sa biyaheng panghabang-buhay

14 Sana'y ako pa rin ang 'yong kasabay


15 Dantay ka muna sa 'kin

16 Ilang oras pa ang biyahe natin

17 Huminga ka muna nang malalim


18 Malayo na'ng ating narating

19 Pero ang layo pa ng lalakbayin

20 Hmm


21 Wala na 'kong hahanapin pa

22 Dahil sa biyaheng ito, ikaw ang kasama

23 Kahit ilang oras pa

24 Handa akong mag-antay

25 Basta't sa biyaheng panghabang-buhay

26 Sana'y ako pa rin


27 Ang iyong katabi, sa hirap at ginhawa

28 Pero ba't 'di mo sinabi na may

29 Hinihintay ka lang pala?

30 Naghihintay na baka bumalik pa siya


31 Wala na 'kong magagawa pa

32 Dahil sa biyaheng ito, iba na'ng 'yong kasama

33 Pero salamat muli sa oras mong binigay

34 Ngunit sa biyaheng panghabang-buhay

35 'Di na pala ako ang 'yong kasabay

Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment