Malay Mo, Tayo Lyrics - TJ Monterde
1 Napapaisip, nananaganip
2 Baka sakaling tayo sa huli
3 Ayaw silipin na alanganin
4 Nagpapaniwalang 'di natin masabi
5 Ang plano sa 'tin ng tadhana
6 Ba't ba parang may pag-asa?
7 Klarong wala kaso baka...
8 Malay mo, tayo sa dulo, hindi natin masabi
9 Kung ano nga ba ang kahahantungan
10 Sugal ng pag-ibig, handa 'kong isuko ang sarili
11 Sa daang walang kasiguraduhan
12 Kasi malay mo, tayo
13 Malay mo, tayo
14 Sasalubungin, lalanguyin
15 Kung anong lalim, bahala na
16 At kung maulit, sakit at pait
17 Guguhong langit, 'di alintana
18 Sa dilim, diretso ang talon
19 Para sa sakaling meron
20 Alam kong wala kaso baka...
21 Malay mo, tayo sa dulo, hindi natin masabi
22 Kung ano nga ba ang kahahantungan
23 Sugal ng pag-ibig, handa 'kong isuko ang sarili
24 Sa daang walang kasiguraduhan
25 Kundi kahapon, baka ngayon
26 Pa'no kung nu'ng una'y maling panahon
27 Malay mo, tayo sa dulo, 'di natin masabi
28 Ano nga ba ang kahahantungan
29 Sugal ng pag-ibig, handa 'kong isuko ang sarili
30 Sa daang walang kasiguraduhan
31 Kasi malay mo, tayo
32 Malay mo, tayo
33 Pa'no kung tayo?
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment