Sana Lyrics - Up Dharma Down



1 Nilibot na ang buong mundo

2 Di pa rin ako nakukuntento

3 Makakahanap ng ipapalit

4 Nang walang babala

5 Lumipas ay nagbabalik pala


6 Nalilito na ako hindi na dapat gan'to

7 Nakaraan ay natapos at napagdaanan na

8 Bakit na sisindak pa sa t'wing naaalala

9 Matatauhan na wala ka na pala


10 Ako sila'y nandito na

11 Ikaw na lang ang kulang

12 Anong lunod o lalim ba't 'di na lang lumutang

13 Anong pait ang matamis at aking susubukan

14 Anong silbi ng narito

15 'Di mo na kailangan


16 Hindi nga nagtagal ang pagpapanggap na 'to

17 Kaliwa at kanan harap at likod ano mang anggulo

18 Titigan ay bumibigay ako


19 Damdamin ay kay bigat

20 Naisip na ang lahat

21 Wala na ba talaga akong magagawa pa


22 Ako sila'y nandito na

23 Ikaw na lang ang kulang

24 Anong lunod o lalim ba't 'di na lang lumutang

25 Anong tamis ang mapait at aking iiwasan

26 Walang silbi ang narito

27 'Di mo na kailangan


28 Wala na bang makakapantay at di na ba dapat pang maghintay

29 Ako lang ba ang nagkasala?

30 Kumakapit sa natitirang sana.


31 Kung babalik ka pa hanggang kailan kaya?

32 Ako dito mag aabang na magdutong na ang patlang

33 Ang kulang ay mapupunan wala nang makahahadlang

34 Wala na yatang hihigit sa pangungulila ko

35 Iba na bang nagbibigay ng mga kailangan mo?


36 Oh sana

37 Kay higpit ng kapit sa unan kagabi ko

38 Oh sana

39 Inaasam muling makatabi at mahalik sana



Comments (0)

No comments yet. Be the first to comment!

Leave a Comment