Sana'y Maghinta'y Ang Walang Hanggan Lyrics - Zsa Zsa Padilla
1 Doon ka, dito ako
2 Hindi magkatagpo
3 Tawag ko'y 'di marinig
4 Ba't kay layo mo?
5 Lapitan man ay 'di mo matanaw
6 Bingi't bulag sa akin ay walang pakiramdam
7 Sayang na pagmahahal
8 Paano nang pag-ibig kong walang hanggan?
9 Sana'y maghintay ang walang hanggan
10 Hanggang makilala mong ako ang 'yong mahal
11 Baka ko matutuhan kita'y kalimutan
12 Baka pangako ko'y dumating sa kailanman
13 Sana'y maghintay ang walang hanggan
14 Sana ang iyong paglingap ay muli kong matikman
15 Subalit kung paglimot ay 'di mapigilan
16 Alalahanin mong kay tagal kitang hinintay
17 Narito
18 Ang puso kong
19 Inilaan sa'yo
20 Pagod na, nanginginig
21 Baka magtampo
22 Naghihintay ang labi kong uhaw
23 Handog nito'y ligayang 'di mapapantayan
24 Sayang na pagmamahal
25 Parang hangin lamang sa iyo'y nagdaan
26 Sana'y maghintay ang walang hanggan
27 Hanggang makilala mong ako ang 'yong mahal
28 Baka ko matutuhan kita'y kalimutan
29 Baka pangako ko'y dumating sa kailanman
30 Sana'y maghintay ang walang hanggan
31 Sana ang iyong paglingap ay muli kong matikman
32 Subalit kung paglimot ay 'di mapigilan
33 Alalahanin mong kay tagal kitang hinintay
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!
Leave a Comment